
Mas magiging palaban na ang karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa pagbabalik telebisyon ng kinabibilangan niyang primetime series na The World Between Us.
Kung noon ay mabait pero palaban ang karakter ni Alden na si Louie, ngayon ay magiging sophisticated na siya.
Ayon kay Alden, matagal na niyang pangarap na gumanap ng isang karakter katulad ni Louie.
Pag-amin niya sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, "I guess, pangarap ko na siyang matagal. Pangarap ko nang magkaroon ng ganun klaseng role kaya siguro meron certain part of me na ang tagal ko na siyang pinaghandaan at ngayon ko lang siya nailabas."
Mahigit isang buwan ring nawala sa telebisyon ang The World Between Us pero para sa batikang aktres na si Dina Bonnevie, maganda ang naitulong nito para sa kanila para makapag-recharge.
Paliwanag niya, "I think 'yung season break, actually help us also, physically [because] we were able to get vaccinated."
"Feeling ko mas napaganda namin kasi napag-isipan pa kung anong twists ang pwedeng ilagay."
Dagdag ni Jasmine Curtis-Smith na gumaganap na Lia, "It's good in a sense na we can gather and recalibrate for the shifting or any transition of characterization."
"But on the same time, nakaka-miss rin ang pagsasama."
Kahit isang buwan silang hindi nagkita sa taping, masayang kinuwento ni Tom Rodriguez na hindi sila bumitiw sa kanilang mga karakter.
Ginagampanan ni Tom ang nakatatandang kapatid ni Lia na si Brian.
Aniya, "It was like jumping back to it so smoothly because everyone was on point pa rin, e. All the preparation was already done beforehand, e. So the time we had together working on the project just fueled it more."
Mapapanood ang pagbabalik ng The World Between Us sa November 22 sa GMA Telebabad pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.