
Sa darating na June 13, muling mapapanood sa GMA-7 ang fantasy series na 'The Worst Witch.' Ito ay unang napanood sa Kapuso Network noong 2021.
Papapasukin tayong muli sa kakaibang mundo na puno ng mahika kung saan ating masasaksihan ang nakatutuwang adventures ng extraordinary witch na si Mildred Hubble (Bella Ramsey).
Habang si Mildred ay nasa loob ng Cackle's Academy - isang paaralan para sa young witches na nagnanais matuto ng iba't-ibang klase ng magic, makakasama niya sa pagsasanay ang ilan pang mga batang witch.
Isang araw, dahil sa kanilang kapilyuhan, madadamay sa isang komplikadong sitwasyon ang ina ni Mildred.
Ano kaya ang mangyayari sa kaniyang ina?
Paano kaya kung magkaroon ng kapangyarihan ang isang simpleng tao?
Abangan ang mga kasagutan sa ikatlong season ng 'The Worst Witch' na malapit nang ipalabas sa GMA Network.
Samantala, kilalanin ang cast ng pinakabagong Korean dark fantasy na 'The Witch's Diner' sa gallery na ito: