
Mainit ang naging pagtanggap sa pakulo ng upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.
Nagpadala ang programa ng isang truck kung saan maaaring mag-iwan ng mensahe sa iyong significant other, crush o kaya naman future self.
Daan-daan ang nag-iwan ng kanilang sticky notes na may lamang mga hugot.
Namataan ang truck malapit sa Baclaran Church at sa ilang lugar sa Universty Belt.
Spotted din ang viral TikTok star na si Vrix Gallano na tumulong sa pagdi-distribute ng sticky notes at markers. Nagpaunlak din siya ng selfies at TikTok videos kasama ang ilang nag-iwan ng kanilang mga hugot sa truck.
Nakatakda namang dumaan ang hugot truck ng The Write One ngayong hapon sa Luneta.
Ang The Write One ay kuwento ng isang frustrated television writer na magkakaroon ng pagkakataong mabago ang kanyang buhay gamit ang misteryosong typewriter.
Pagbibidahan ito nina Ruru Madrid at Bianca Umali, kasama sina Mikee Quintos, Paul Salas, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang world premiere ng The Write One sa March 20, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:30 p.m. Maaari rin itong i-stream, anytime, anywhere sa www.viu.com simula March 18.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE RITO: