
Sa pagbabalik ng Stars on the Floor, girl power ang umarangkada sa dance floor sa ikatlong linggo ng dance show.
Sina Thea Astley at Dasuri Choi ang kinilala bilang 3rd 3rd top dance star duo dahil sa kanilang nakakaantig na contemporary dance performance noong Sabado, July 19.
Ang nakalaban nina Thea at Dasuri sa dance showdown ay sina VXON Patrick at Zeus Collins bago itanghal ang top dance star duo of the week.
Sa comments section ng naturang show, pinuri si Thea at napansing nakadalawang panalo na ito. Marami din ang humanga sa performance nina Thea at Dasuri, lalo na sa kanilang emosyonal na expression habang sumasayaw.
Sa Instagram post ni Dasuri, ibinahagi ng South Korean dancer na "extra special" para sa kanya ang kanilang contemporary dance performance, dahil makalipas ang 17 taon, muli niyang nabalikan ang genre na malapit sa puso niya.
Noong ikalawang linggo, sina Rodjun Cruz at Zeus Collins ang nagwagi bilang 2nd top dance star duo.
Si Thea at ang kaniyang unang partner na si JM Yrreverre naman ang kinilalang pinakaunang top dance star duo noong pilot episode ng Stars on the Floor.
Tutukan ang mas pasabog pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Balikan dito ang highlights ng pilot episode ng Stars on the Floor: