GMA Logo Thea Astley at JM Yrreverre
Source: Stars on the Floor
What's on TV

Thea Astley at JM Yrreverre, wagi bilang unang 'Stars on the Floor' top dance star duo

By Karen Juliane Crucillo
Published June 30, 2025 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Astley at JM Yrreverre


Itinanghal bilang unang top dance star duo sina Thea Astley at JM Yrreverre sa world premiere ng 'Stars on the Floor.'

Sa pilot episode ng Stars on the Floor nitong Sabado, June 28, umapaw sa papuri ang mga intense at pasabog na performances ng celebrity at digital dance stars kasama ang dance authorities. Nag-trending din ang world premiere ng show at agad itong naging patok sa mga netizens.

Ngunit, isang duo ang nag-stand out at itinanghal na kauna-unahang top dance star duo ng naturang show.

Ang pinakaunang duo na agad na pinahanga ang dance authorities ay sina Thea Astley at JM Yrreverre, sa kanilang spicy dance performance.

Samantala, bago nagwagi bilang top dance star duo sina Thea at JM, sumabak muna ito sa isang dance showdown kasama ang napiling top 2 na sina Glaiza De Castro at Zeus Collins.

Sa isang exclusive interview, nagpasalamat sina Thea at JM at buong pagmamalaking ibinahagi ang kanilang saya sa tagumpay bilang kauna-unahang top dance star duo.

"I am so proud of us. I am just so thankful na napasama ako sa show na ito," sabi ni Thea.

Dagdag ni JM, "Dito namin nasabi na ah worth it lahat ng pagod."

Isa si Thea sa celebrity dance stars kasama sina Glaiza, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, at VXON patrick. Samantala, bahagi naman ng digital dance stars si JM kasama sina Zeus, Dasuri Choi, Joshua Decena, at Kakai Almeda.

Kada linggo, tuloy tuloy ang pasabog dahil magkakaroon ng bagong partners at genre ang dance stars.

Patuloy na abangan ang ultimate COLLABanan sa Sayawan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Balikan dito ang naganap na mediacon ng Stars on the Floor: