
Mula Western hanggang Eastern at Asia, nilibot ng dance star duos ang iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng kanilang nakamamanghang performances sa Stars on the Floor noong Sabado, September 6.
Sa naturang episode, kinilala sina Thea Astley at Joshua Decena bilang 9th top dance star duo matapos nilang madala ang dance authorities at viewers sa bansang Brazil sa kanilang dancesport performance.
Sa kanilang makapigil-hiningang liftings at energy, hindi napigilan ng dance authorities na sabihin na sila ang “number one” para sa kanila lalo na si Coach Jay na tumayo pa para magbigay ng standing ovation dahil sa kanilang husay.
"Gusto kong tumayo nang pumapalakpak," sabi ni Coach Jay.
Sa Instagram post, inamin ni Joshua na first time niya mag-perform ng dancesport.
"Big smiles today cause we bagged a win," isinulat nito.
Dagdag pa ng digital dance star, "Bringing you the colors & festivities of Brazil. My first time doing dancesport EVER. Never thought SAMBA would be our first win. This wasn't easy but we had the best coaches."
Nagpasalamat din siya sa kanilang coaches na sina Coach Louie at Coach Cheng dahil sa pasensya at tiwala na ibinigay sa kanila ni Thea.
"I was always so afraid of dance sport or any type of ballroom but you made me fall in love with it. I never thought I would enjoy such an unfamiliar genre to me," sabi ni Joshua.
Ito ang unang pagkapanalo nina Thea at Joshua bilang final dance star duos.
Abangan ang mas nag-iinit pang performances nina Thea at Joshua sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':