
Sa lahat ng emosyon na pumukaw sa dance floor, pagmamahal ang tunay na nagwagi sa Stars on the Floor noong Sabado, September 20.
Sa naturang episode, itinanghal sina Thea Astley at Joshua Decena bilang 11th top dance star duo matapos nilang maghatid ng true love at kilig sa kanilang Rumba performance. Ipinakita ng mag-duo ang pagmamahalan ng dalawang taong nasa LDR o Long Distance Relationship.
Umani rin ito ng papuri mula sa dance authorities na humanga sa linis at kilig ng kanilang performance.
“Nakaka-in love kayong dalawa,” sabi ni Pokwang.
Natuwa naman si Coach Jay sa ipinakitang konsepto ng pagmamahal sa kanilang sayaw at napansin nito na wala silang mali sa kanilang performance.
“Sumakses sila doon sa pagpapakita ng true love through dancing,” puna naman ni Marian Rivera.
Noong nakaraang linggo, itinanghal na 10th dance star duos sina Rodjun Cruz, Dasuri Choi, VXON Patrick, at Kakai Almeda na naging kauna-unahang double win sa dance show.
Abangan ang mas nag-iinit pang performances nina Thea at Joshua sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: