
Wagi ang The Clash graduates na sina Thea Astley, Garrett Bolden, at Arabelle Dela Cruz sa first leg ng Veiled Musician Philippines, isang global reality singing competition mula sa Seoul Broadcasting System (SBS) na nakabase sa South Korea. Napanood ito sa All-Out Sundays ngayong Linggo, November 9, bilang one-time special.
Sa loob ng tatlong rounds, 12 singers ang naglaban-laban sa kompetisyon. Sa huli, sina Thea, Garrett, at Arabelle ang itinanghal na panalo ng jury na binubuo nina Julie Anne San Jose, Mark Bautista, at Rita Daniela, at guest judge na si K-pop idol Tiffany Young.
Kaugnay nito, sina Thea, Garrett, at Arabelle ang magrerepresenta sa Pilipinas sa Veiled Cup na gaganapin sa Seoul.
Makakalaban nila ang mga pambato ng South Korea, Indonesia, Japan, Laos, Mongolia, China, Thailand, at Vietnam sa global singing contest.
Ang magwawagi sa Veiled Cup ay magkakaroon ng oportunidad na makapag-perform sa Korean music program Inkigayo at kumanta ng isang K-Drama original soundtrack.
Samantala, nagsilbing hosts ng pinakaunang Philippine leg ng Veiled Musician sina Gabbi Garcia at Rayver Cruz.
RELATED CONTENT: Powerhouse Kapuso singers