GMA Logo Thea Astley on The Clash
What's on TV

Thea Astley, inaming hindi pang-contest ang talento sa pagkanta

By Jansen Ramos
Published December 15, 2019 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Astley on The Clash


Thea Astley on joining singing contest: "Hindi naman ako para sa ganyan, hindi ako biritera."

Idinaan sa isang Instagram post ng binansagang RnB Sweetheart ng Qatar na si Thea Astley ang kanyang mga saloobin ilang oras bago ang grand finals ng The Clash.

"Bata pa lang ako, mahal ko na ang pagkanta. Hanggang sa aking pagtanda, hindi na nawala ang pangarap ko na iparinig sa buong mundo ang aking musika, ang aking boses," panimula niya.

Inamin ni Thea na dumating siya sa puntong minaliit niya ang kanyang talento sa pagkanta dahil hindi pang-contest ang kanyang boses.

"Sa bawat singing contest na napapanood ko, lagi ko nalang iniisip na 'hindi naman ako para sa ganyan, hindi ako biritera.'" aniya.

"I concentrated on my education, dahil naisip ko na dito lang ako may pagkakataong may marating sa buhay. "

Bata pa lang ako, mahal ko na ang pagkanta. Hanggang sa aking pagtanda, hindi na nawala ang pangarap ko na iparinig sa buong mundo ang aking musika, ang aking boses. ⁣ ⁣ Sa bawat singing contest na napapanood ko, lagi ko nalang iniisip na "hindi naman ako para sa ganyan, hindi ako biritera." ⁣ ⁣ I concentrated on my education, dahil naisip ko na dito lang ako may pagkakataong may marating sa buhay. ⁣ ⁣ Pero ngayong gabi, sa pinaka importante at pinaka malaking entablado ng buhay ko, ang noon na nangangarap na ibahagi ang kanyang boses sa mundo, ang sasalang sa grandfinals ng The Clash. ⁣ ⁣ Ngayong nandito na ako, buong puso kong ilalaban at iaalay para sa Panginoon ang itong susunod na hamon. Tanging siya lamang ang nagbahagi sa akin ng boses na ito. Para sa pamilya ko na hindi nagsawa at nagkulang na sumuporta sa akin, para sa aking mga kaibigan, mga taong humahanga at naniniwala sa akin, at para sa batang Thea na noon ay walang paniniwala sa sarili, para sa inyong lahat, sa ating lahat na may mga pinagdadaanang sa buhay, ako si Thea Astley, at ito ang aking laban.

A post shared by Thea Astley (@theaastley) on


Sa kabila nito, napalitan ang mga pangamba ni Thea ng pag-asa matapos mapabilang sa final five ng The Clash, ang unang singing competition na kanyang sinalihan.

Patuloy niya, "Pero ngayong gabi, sa pinakaimportante at pinakamalaking entablado ng buhay ko, ang noon na nangangarap na ibahagi ang kanyang
boses sa mundo, ang sasalang sa grand finals ng The Clash."

Dugtong pa niya, "Ngayong nandito na ako, buong puso kong ilalaban at iaalay para sa Panginoon ang itong susunod na hamon.

"Tanging siya lamang ang nagbahagi sa akin ng boses na ito. Para sa pamilya ko na hindi nagsawa at nagkulang na sumuporta sa akin, para sa aking mga kaibigan, mga taong humahanga at naniniwala sa akin, at para sa batang Thea na noon ay walang paniniwala sa sarili, para sa inyong lahat, sa ating lahat na may mga pinagdadaanang sa buhay, ako si Thea Astley, at ito ang aking laban."

Matira ang Matibay: The Top 6 of GMA Network's 'The Clash' revealed