
Hindi lang binabaha ng energy ang dance floor sa Stars on the Floor, kundi pati na rin ng emosyon.
Sa latest episode, nagpakitang gilas sina Thea Astley at ang kaniyang ka-duo na si Joshua Decena sa kanilang jazz at sakuting performance na ginamitan nila ng bamboo sticks sa gabay ng kanilang coach na si Coach Macky Quiobe.
Ngunit, sa likod ng kanilang performance, inamin ni Thea na first time niya pa lang makakasayaw ng sakuting kahit na ito ay nasanay na sumayaw ng iba't ibang folk dance sa Qatar.
Ikinuwento ng celebrity dance star na naranasan na niya maging coach si Coach Macky kaya naman sabi nito na alam na niya kung gaano ka-partikular ito sa mga linya at galaw.
“Siya talaga ang unang nagpaiyak sa akin dito sa Stars on the Floor at parang siya na ulit,” pag-amin nito.
Dagdag pa niya at biro nito, “Hindi pa naman ako umiiyak pero baka tomorrow kasi mananalo kami. Tears of joy. Wow!”
Sa kauna-unahang beses, nagkaroon ng double win sa dance show nitong September 13 episode at itinanghal sina Rodjun Cruz, Dasuri Choi, VXON Patrick, at Kakai Almeda bilang 10th top dance star duos.
Sina Thea at Joshua naman ang nagwagi bilang 9th top dance star duo.
Abangan pa ang mas nag-iinit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, tingnan dito ang fiercest looks ni Thea Astley: