
“Blessed at grateful” si Kapuso singer Thea Astley matapos muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event na “Signed For Stardom” noong November 22.
Ayon sa The Clash Season 2 first runner-up, lubos na nagpapasalamat siya sa mga naranasan niya sa kanyang career tulad ng pag-peform sa stage kasama ang mga iniidolong sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, at Mark Bautista.
Excited din siya para sa mas marami pang growth bilang artist at nais din niyang subukan ang iba pang aspeto ng showbiz gaya ng pag-arte.
“Excited pa ako for more growth. Sana makapag-release na rin ako ng sarili kong music really soon, and hopefully be able to venture into other types of media, maybe acting, do more hosting,” pagbabahagi niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
Bukod dito, nais din daw ni Thea na maka-collaborate ang mga P-pop group para mas makilala pa ang orihinal na Pinoy music.
Aniya, “Well s'yempre ngayon dahil P-pop is really on the rise, I hope to be able to collaborate with P-pop groups in general, and bigyan natin ng mas spotlight pa ang original Filipino music or OPM.”
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI THEA ASTLEY SA GALLERY NA ITO.