
Labis ang pasasalamat ng Kapuso star na si Thea Tolentino sa patuloy na suporta ng fans sa kanilang programang Makiling.
Dahil maraming nanonood sa nasabing palabas, masayang ibinahagi ni Thea na mag-e-extend pa raw ang kanilang kapanapanabik na serye.
"Sobrang saya namin sa 'Makiling' and we're happy that we're extending. Sobrang thankful kami sa viewers namin kasi sinusubaybayan nila yung bawat episode namin," sabi ni Thea.
Sa isang panayam kasama ang GMANetwork.com, nagkuwento si Thea tungkol sa kanyang mga kasama sa serye.
"Masaya kasi halos magkaka-age kaming lahat and 'yung mga veterans na katrabaho namin is parang magkaka-age din kami kasi super chill lang nila lahat and sobrang babait nila and madaling makatrabaho lahat ng nasa 'Makiling."
Binahagi rin ni Thea ang kanyang paboritong moment sa set, "yung nagpapa-lechon kasi may kainan sa taping and pag may masarap na pagkain mas nagiging tight ang samahan."
Patuloy pa ring umiinit ang mga eksena sa Makiling dahil sa paghihiganti ni Amira (Elle Villanueva) sa Crazy 5. Dapat din daw abangan ang karakter ni Thea na si Rose at kung ano ang gagawin niya sa mga susunod na episodes.
"Kasi lahat ng hakbang ni Rose sa 'Makiling' spoiler siya sa mangyayari and abangan nila kung paano maghihiganti si Amira sa Crazy 5 kasi iba-ibang level talaga yung ganti niya," sabi niya.
Maliban sa Makiling, mapapanood din ang Kapuso star sa pelikulang Take Me To Banaue, na idinirehe ng Filipino director na si Danny Aguilar.
IN PHOTOS: The cast of Makiling