
Magtatambal sina Kapuso stars Thea Tolentino at John Vic de Guzman sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap sila bilang career-oriented young parents sa episode na pinamagatang "Time Out."
Si Thea ay si Gels, habang si John Vic naman ay si Gelo--mag-asawang parehong nasa magandang stage ng kanilang careers.
Nang mabiyayaan sila ng kanilang first baby, magdedesisyon si Gels na maging stay-at-home mom.
Mas lalong pagbubutihan ni Gelo sa trabaho dahil siya ang magiging nag-iisang provider ng pamilya.
Dahil sa sobrang pagka-busy, hindi mapapansin ni Gelo na nahihirapan na si Gels. Makakalimutan pa ni Gelo ang kanilang anniversary.
Sa lahat ng sakripisyo nila para sa kanilang first babay, kasama ba dito pati ang relationship nilang mag-asawa?
Abangan ang brand new episode na "Time Out," August 6, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: