
Tampok sina Kapuso stars Thea Tolentino at Yasser Marta sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Sa "Rebound or Restart," gaganap sila bilang dalawang recently single na taong magkikita sa isang campsite.
Si Thea ay si Hazel na fresh pa mula sa breakup niya sa kaniyang boyfriend. Nag-solo camping siya para matulungan ang sarili na maka-move on.
Si Yasser naman ay si Jake na pareho rin ng pakay sa campsite. Tutulungan niyang magtayo ng tent si Hazel at pahihiramin pa ito ng powerbank.
Mas makikilala nila ang isa't isa at makakabuo ng magandang connection.
Pero paano kung sa pagtatapos ng kanilang camping trip ay muling magparamdam ang kanilang mga significant others?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Rebound or Restart," June 11, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: