GMA Logo Thea Tolentino Ilaban Natin Yan
What's Hot

Thea Tolentino, naniniwalang "communication is key" sa paglutas ng family problems

Published February 10, 2020 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Sunday Mass - Diocesan Shrine of Jesus, the Divine Word | GMA News
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino Ilaban Natin Yan


Ibinahagi rin ni Thea Tolentino kung bakit interesting para sa kanya ang bagong programa na 'Ilaban Natin 'Yan.'

Sa unang episode ng bagong programa ni Vicky Morales na Ilaban Natin 'Yan, isa si Thea Tolentino sa mga artista na magsasadula ng tampok na istorya.

Siya ay gaganap bilang si Rodelyn, manugang ng karakter ni Jaclyn Jose, ang inang nangutang at hindi nakapagbayad sa kanyang anak at manugang.

Ibinahagi ni Thea na bahagya siyang naka-relate sa kanyang karakter.

Sabi niya, “Hindi naman mawawala sa magkakamag-anak ang ganitong sitwasyon.

“Siguro po noong maliit pa kami may mga ganitong misunderstandings na nangyari, pero 'di ko pa masyado naintindihan noong time na 'yon.

“Pero kaya naman ayusin [kahit ano'ng problema] basta mapag-usapan nang mabuti.”

May payo ring ibinahagi si Thea sa mga may pinagdadaanang problema sa pamilya.

Aniya, “Siguro maging totoo ka lang. Kung alam mong may pagkakamali ka, humingi ng pasensya.

“Huwag masyado mataas ang pride at wala naman talagang maso-solve na problema kung hindi mapapag-usapan ng abuti. Communication is key, kumbaga.”

Dagdag pa ni Thea, “At isipin na lang din na magkakamag-anak kayo, so kayo at kayo rin ang magtutulungan sa bandang huli. Bawas stress pa sa buhay kapag naayos na.”

Pinuri din niya ang bagong programang Ilaban Natin 'Yan.

Sabi ni Thea, “It's an interesting show that encourages both parties to actually talk about their problems and main issue na may gumigitna sa kanila [hosts, lawyer/psychologist] para talagang magkaintindihan sila.

“Ang pinakagusto ko about it is napapakita ang bawat side ng parties, hindi lang ng isa.”

Makakasama ni Thea sina Faye Lorenzo, Anjo Damiles, at Jaclyn Jose sa pagsasadula ng tampok na kwento sa unang episode ng Ilaban Natin 'Yan.

Abangan 'yan ngayong Pebrero, dito lang sa GMA-7.