
Ibinahagi ni Thea Tolentino ang hirap kapag work from home set up ng isang artista.
Kuwento ni Thea sa episode ng Hangout nitong October 13,
"Sobrang hirap na hirap ako ngayong work from home kasi parang dapat all-around ka e. Ikaw 'yung guest, tapos ikaw na rin 'yung magka-camera, ikaw din 'yung sa lighting, tapos kailangan mo ayusin yung bahay mo, art dept. ka na rin."
Dagdag pa ni Thea, nahihirapan siya dahil pati pagdi-direct ng kanyang videos, siya rin ang gumagawa ngayong quarantine period.
"Nakaka-stress siya for me kasi... hindi naman ako perfectionist pero lalo na 'pag mag-shoot ng mga VTR, tapos kami lang 'yung magdi-direct, ang hirap."
Ipinaliwanag rin ng aktres kung gaano katagal i-shoot ang mga napapanood sa telebisyon.
"'Yung maiksi na ipapalabas sa TV ng ilang segundo o ilang minuto lang, kinukunan ko sila ng buong araw. Nahihirapan ako. Tapos dinadamay ko na rin 'yung kapatid ko, ginagawa ko siyang cameraman."
Panoorin ang buong kuwento ni Thea sa Q&A ng Hangout kasama ang kanyang mga fans.
Hangout: Thea Tolentino, pangarap magkaroon ng role na magsasalita siya ng Japanese!
Hangout: Online "Bring Me" with Thea Tolentino