GMA Logo Thea Tolentino, Ashley Ortega
Photo source: theatolentino (IG), GMA Drama
What's on TV

Thea Tolentino, inaming nainis at natakot sa karakter ni Ashley Ortega sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published March 26, 2026 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mag-asawa at pamangkin, patay sa kinaing puffer fish o butete na kanila lang hiningi
Atong sayran karon ang dagan sa panahon karong Adlawa March 26, 2026 | Balitang Bisdak
Sports fashion photoshoot bring out the abs of the Mister Pilipinas Worldwide delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino, Ashley Ortega


Thea Tolentino sa karakter ni Ashley Ortega sa 'Apoy sa Dugo': “Ang sarap pukpukin.”

Sa patindi nang patinding mga eksena sa Apoy sa Dugo, isa sa mga karakter nina Thea Tolentino at Ashley Ortega ang pinanggigilan ngayon sa serye.

Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, inamin ng Sparkle artist na kahit isa rin siyang kontrabida sa serye, ay nainis at natakot siya sa karakter ni Ashley bilang Angel.

“Intense siya in a way na iba kasi 'yung character ni Ashley,” pahayag niya.

“Very mysterious na may mga taong mysterious na kahit wala silang ginagawa or tumitingin lang sila, walang sinasabi, ang sarap pukpukin,” paliwanag niya.

Ibinahagi rin ng aktres na magkakaroon sila ng matinding eksena ni Ashley sa serye.

“Basta magkakaroon kami ng eksena ni Ashley na sobrang, parang boundary-creepy na talaga 'yung ginagawa ni Ashley. So, abangan niyo 'yan,” kuwento niya.

Inamin ni Thea na kakaiba para sa kanya ang kanyang karakter bilang Trixie, lalo na't isa itong special character sa serye. Inanyayahan din ng aktres ang mga manonood na abangan kung paano siya magiging sangkot sa buhay nina Marco (Derrick Monasterio) at Vanessa (Elle Villanueva).

Patuloy na tutukan ang mga matitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The kontrabida roles of Thea Tolentino