GMA Logo Thea Tolentino
Source: theatolentino (IG)
Celebrity Life

Thea Tolentino, ipinasilip ang wedding invitations

By Marah Ruiz
Published October 24, 2026 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Winwyn Marques, Mikee Quintos, more Kapuso stars join 'Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0'
Check out these Halloween happenings around the country
Farm to Table: Kulit at food trip!

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Nagbigay si Thea Tolentino ng update sa kanyang ongoing wedding preparations.

Unti-unting nang nabubuo ang dream wedding ni Kapuso actress Thea Tolentino.

Source: theatolentino (IG)

Sa kanyang Instagram account, nabigay siya ng maikling update tungkol sa progess ng kanyang wedding preparations.

Kasama ang fiance na si Martin Joshua San Miguel, ibinahagi ni Thea na tapos na ang produksiyon ng kanilang wedding invitations.

Ipinasilip niya ang imbitasyon na may wax seal ng initials nila ni Martin at may nakadikit pang dried flowers.

Naka-print din sa invitations ang ilang prenuptial photos na kinunan ng engaged couple. Nakapaloob naman sa metallic envelopes na kulay terracotta ang mga imbitasyon. May flower details din sa loob ng envelopes.

Bukod dito, ipinasilip din ni Thea ang swatch cards para sa kanilang mga ninong at ninang.

Laman nito ang recommended attire pati na ang sample ng fabric na maaaring gamitin para dito.

Nakuha na rin nina Thea at Martin ang wax seals at stamp kung saan nakalagay ang initials nila.

A post shared by Thea Tolentino テーア (@theatolentino)

November 2025 nang ma-engage si Thea sa pilotong si Martin matapos ang apat na taong relasyon.

Ibinahagi rin ni Thea na kabilang ang ilang celebrity friends niya sa entourage tulad nina Mikee Quintos at Joyce Ching na magsisilbing bridesmaids, at Gladys Reyes at Christopher Roxas na magiging principal sponsors naman.

SILIPIN ANG ENGAGEMENT NI THEA TOLENTINO DITO: