GMA Logo Thea Tolentino
What's on TV

Thea Tolentino, isa sa dapat abangan sa upcoming adventure series na 'Lolong'

By Aimee Anoc
Published January 12, 2022 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Abangan ang karakter ni Thea Tolentino sa 'Lolong.'

Sa naganap na Kapuso Artistambayan Live, ibinahagi ni Kapuso actress Thea Tolentino na may pinaghahandaan na siyang bagong proyekto matapos ang Afternoon Prime series na Las Hermanas.

Ayon kay Thea, muli siyang papasok sa lock-in taping para sa upcoming primetime adventure series na Lolong.

"After nitong 'Las Hermanas' ako ay papasok sa 'Lolong," pagbabahagi ng aktres.

"Abangan n'yo po kung ano ang magiging role ko sa 'Lolong.' Pero matagal-tagal pa sa story 'yung pasok ng character ko," dagdag niya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Thea na nagkaroon agad siya ng panibagong proyekto ngayong 2022. "Sobrang swerte ko na nagkaroon agad ako ng project."

Samantala, abangan ang huling dalawang araw ng Las Hermanas, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan ang naging bakasyon ni Thea Tolentino sa Bohol sa gallery na ito: