GMA Logo thea tolentino
Source: theatolentino (IG)
What's on TV

Thea Tolentino, kabilang sa bridesmaids sina Mikee Quintos, Joyce Ching

By Kristian Eric Javier
Published August 7, 2026 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: August 7, 2026
Senior citizen found dead in septic tank in Minglanilla, Cebu
Ellen Adarna goes on a Maldives vacation with kids

Article Inside Page


Showbiz News

thea tolentino


Patapos na ang wedding plans nina Thea Tolentino at Martin San Miguel. Alamin ang mga detalye rito:

Malapit nang makumpleto nina Thea Tolentino at fiancé niyang si Martin Joshua ang kanilang wedding plans. Sa katunayan, puro decision-making na lang umano ang kailangan nilang gawin.

Pero sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 6, kasama si Jeric Gonzales, inamin ni Thea na nao-overwhelm na siya sa dami ng iniisip tungkol sa kanilang kasal.

“Sinasabi na lang ni Martin, yung fiancé ko po, na 'Kalma ka lang.' Kasi siya, sobrang kalma niya. Ako kasi 'yung nagha-handle ng details, siya kasi yung chill lang,” sabi ni Thea.

Pagbabahagi pa ng aktres, meron na rin siyang entourage. Parte ng kaniyang bridesmaids ay ang mga kaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Joyce Ching. Kabilang naman sa mga ninang at ninong niya ay ang celebrity couple na sina Gladys Reyes at asawa nitong si Christopher Roxas.

TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA THEA AT MARTIN SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na noong November 2025 nang ibalita ni Thea ang pagkaka-engage niya kay Martin. Sa post ng aktres, sinabi niyang November 25 sila na-engage habang nagbabakasyon sa ibang bansa.

Sa Instagram stories, ibinahagi ni Thea na isang typical travel photoshoot lang ang inaakala niyang gagawin nila. Kaya naman, laking gulat niya nang lumuhod na si Martin at inilabas ang singsing para ayain siyang magpakasal.

“It was also supposed to be just a normal vacation photoshoot. Thank you for the beautiful proposal. [I'm] keeping them forever,” pahayag ni Thea.

Sa hiwalay na story, inamin ni Thea na “lutang” sila dahil sa pagod, at hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

Noong January 2026, ibinahagi ng aktres na sinimulan na nila ni Martin na planuhin ang kanilang kasal, kabilang na ang pag-ocular sa iba't ibang wedding venues. Sabi pa ni Thea, pagod na ang kaniyang fiancé habang puno pa siya ng energy noong mga panahon na iyon.