
Nagsimula ang aktres na si Thea Tolentino sa talent show na Protégé, kung saan siya ay tinanghal bilang ang Ultimate Female Protégé. Sa isang interview with Tunay Na Buhay, ikinuwento ni Thea kung paano nakatulong ang show na ito sa kanya.
Aniya, "Nakatulong siya sa akin na-i-widen ko pa ang perspective ko. Kasi sa Calamba, sobrang liit lang nung lugar doon, eh. Dito sa Manila, parang na-open... lumaki 'yung mundo ko. And iba't ibang ugali 'yung nakasalamuha ko, and natuto ako doon."
Naikuwento rin niya ang bond na nabuo nila sa show, lalo na sa kanyang now fellow GMA stars. Ika niya, "Sa mga nakasama ko noong Protégé. hanggang sa paglabas, may mga natutunan ako sa mga naging kaibigan ko talaga. Sila Juancho (Trivino), sila Mikoy (Morales), si Mikoy talaga isa siya sa nakatulong sa akin to grow."
Panoorin ang full interview ni Thea sa Tunay na Buhay:
Video courtesy of GMA Public Affairs