GMA Logo Thea Tolentino and Arra San Agustin in Madrasta
What's Hot

Thea Tolentino, may special message para sa 'Madrasta' co-star na si Arra San Agustin

By Marah Ruiz
Published February 22, 2020 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino and Arra San Agustin in Madrasta


Sa pagtatapos ng 'Madrasta,' nakatanggap ng espesyal na mensahe si Arra San Agustin mula kay Thea Tolentino.

Kahapon, February 21, nagtapos ang GMA Afternoon Prime series na Madrasta kung saan nagkatrabaho sina Arra San Agustin at Thea Tolentino.

Si Arra ang gumanap bilang bidang si Audrey at nakatapat niya si Thea bilang kontrabidang si Katharine.

Salungat sa kapalaran ng kanilang mga karakter sa serye ang naging bungang friendship ng dalawa.

May mensahe si Thea para kay Arra sa pagtatapos ng kanilang show.

"Mamimiss mo Audrey ang magulo mong buhay. Maweweirdohan ka na ang payapa na ng buhay mo! Char. @arrasanagustin love yooou" sulat ni Thea sa kanyang Instagram account kalakip ng selfie nila ni Arra.

Mamimiss mo Audrey ang magulo mong buhay. Maweweirdohan ka na ang payapa na ng buhay mo! Char. 😂😂😂 @arrasanagustin love yooou😘 #MadrastaFinale

A post shared by Thea Tolentino テーア (@theatolentino) on

Ang TV adaptation ng 1989 Elwood Perez movie na Bilangin ang Bituin sa Langit ang papalit sa dating timeslot ng Madrasta. Tunghayan ang unang episode nito sa February 24, pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.