GMA Logo
What's Hot

Thea Tolentino, minsan nang napasabi ng "Ilaban Natin 'Yan!"

By Racquel Quieta
Published February 15, 2020 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin dito kung ano ang inilaban ng Kapuso actress na si Thea Tolentino:

Kilala si Kapuso actress Thea Tolentino bilang isang mahusay na kontrabida sa telebisyon. Pero tulad ng mga bida sa teleserye, may mga pinagdaanan din siyang pagsubok sa buhay.

Ibinahagi ni Thea na noong nakaraang taon ay napasabi siya ng “Ilaban Natin 'Yan!” nang maramdaman niya ang bigat ng pagiging breadwinner.

“Siyempre, bilang ako 'yung breadwinner, ang dami talagang kailangang i-sacrifice kasi nag-aaral din ako bukod sa nagtatrabaho. Napasabi talaga ako ng 'Ilaban (Natin) 'Yan!' kasi worth it naman ang magiging laban kapag natapos na ang lahat.”

At bukod sa laban na hinarap ni Thea sa tunay na buhay, napalaban din siya sa aktingan sa kanyang pagganap sa unang episode ng Ilaban Natin 'Yan. Makakasama niya rito sina Kapuso actor Anjo Damiles, Faye Lorenzo, at Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose.

Ipapalabas na ang Ilaban Natin 'Yan ngayong Pebrero 22 sa GMA-7.