
Kilala sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na sa kanyang mga kontrabida roles, ang aktres na si Thea Tolentino. Sa isang interview with Tunay Na Buhay, inalala ni Thea ang mga hindi niya makakalimutang eksena sa mga serye niyang Haplos at The Half Sisters.
Gumanap bilang si Lucille si Thea sa 2017 series na Haplos. Isa sa eksenang 'di niya makakalimutan ay ang kissing scene with Rocco Nacino. Aniya, "Grabe talaga siya, kasi ginayuma ko 'yung character ni Rocco na ma-in love sa akin [sa character ko]. So ang nangyari sa character niya is naging hayok na hayok siya."
Ibang-iba raw ito sa mga naging kissing scenes niya. Ika niya, "Unang kissing scene ko kasi mga smack lang, ito gumagalaw siya, and tuloy-tuloy."
Malaking tulong naman daw si Rocco sa kanya sa eksenang ito. Paliwanag niya, "Pinaparamdam naman po ni Rocco na safe. 'Yun 'yung importante sa ka-eksena mo kailangan mo ramdam mong safe ka."
Sa 2014 series naman na The Half Sisters, kung saan gumanap siya bilang si Ashley, puro sampalan scenes naman ang ginawa ni Thea.
Aniya, "Namuro po ako sa sampal sa [The] Half Sisters, parang halos lahat ng characters nasampal ako. Kaya 'pag nakakakita na ako ng sampalin ni ganito si Ashley, parang nato-trauma na ako."
Kaninong sampal naman ang hindi niya makakalimutan?
Sagot niya, "Si Ms. Jean (Garcia), kasi sunod-sunod po 'yun na apat [na solid]. Uminit po 'yung pisngi ko ng sobra, basta sobrang init."
Video courtesy of GMA Public Affairs