GMA Logo Thea Tolentino
What's on TV

Thea Tolentino, nagkaroon ng bagong mga 'kapatid' dahil sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Published January 13, 2023 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Masaya si Thea Tolentino sa bagong kaibigan niya mula sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.'

Isa raw sa maiuuwi ni Kapuso actress Thea Tolentino mula sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay ang mga bagong kaibigan.

Dahil napipinto na finale ng show ngayong gabi, January 13, ibinahagi ni Thea na grateful siya sa nabuong mga samahan dito.

"Mapa on cam or off cam, talagang naging close kaming lahat, lalo na kaming magkakapatid--ang flower sistes. Si ate Aiko [Melendez], si ate Beauty [Gonzalez], si Angel [Guardian], talagang naging close kami. Kahit natapos na 'yung taping, nagkikita kita pa rin kami," kuwento ni Thea.

Mano Po finale


Gumanap si Thea sa show bilang Dahlia, isa sa apat na Chua sisters. Kakaiba ang role na ito sa nakasanayan niya dahil imbis na kontrabida, very meek at docile ang karakter niya.

Nagpapasalamat si Thea sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang programa.

"Maraming-maraming salamat po at talagang sinubaybayan niyo ang kuwento ng aming magulong pmalya dito sa 'Mano po legacy: The Flower Sisters.' Sana po ay may natutunan kayo at talagang hanggang dulo ay hindi kayo bumitaw. Maraming maraming salamat po at sana po patuloy niyo pa ring suportahan kaming lahat," aniya.

Samantala, isang unexpected twist ang dapat abangan sa big finale ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Abangan ito ngayong gabi, January 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.