What's Hot

Thea Tolentino, nagulat sa napakataas na ratings ng ‘The Half Sisters’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 11:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang masasabi ng young Kapuso kontrabida sa pagiging number one daytime program ng 'The Half Sisters?'
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Halos kalahating taon na ang itinatakbo ng number one Afternoon Prime soap na The Half Sisters. Alam naman ng cast na maganda ang feedback ng viewers sa kanilang show. Pero ang ikinagulat nila ay nang makakuha sila ng napakataas na ratings ngayong linggo.
 
Isa si Thea sa nagulat sa positive news na ito. Aniya, “Nasa GMA nga ako kahapon tapos ang daming bumati sa 'kin, sabi nila, congrats dahil pang-primetime daw 'yung ratings namin.”
 
Dagdag pa niya, “Masaya siyempre kasi hindi naman namin akalain na ganoon kataas [ang ratings].”
 
Dahil sa consistent ratings ng The Half Sisters, nag-celebrate ang cast at production team habang nasa taping ng Afternoon Prime soap.
 
 

Because we're NO.1!!! ???????????? Congrats satin! Maraming salamat ulit sa lahat ng sumusuporta sa The Half Sisters! ????? #TheHalfSisters

A photo posted by Thea Tolentino (@theatolentino13) on

 
Ayon kay Thea, kahit maganda ang feedback ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagpapaganda ng The Half Sisters. Tuloy pa rin daw ang kanyang workshops every Sunday para lalo siyang gumaling sa pag-arte.
 
Early Christmas gift na ba maituturing ni Thea ang success ng show?  “Oo kasi noong nag-start ako sa GMA, magaganda 'yung shows na kasama ako pero ito talagang The Half Sisters 'yung nagtagal,” sagot ng teen star.
 
“Dito rin ako nakilala kasi dito talaga 'yung naging kontrabida ako,” dagag pa niya. Kung papipiliin kasi, mas gusto ni Thea ang maging kontrabida kaysa api-apihin. Naniniwala rin siyang nadaragdagan ng pagiging villain ang kanyang confidence.
 
Kuwento ni Thea, marami pang aabangan ang viewers sa show tulad ng muling pagkikita nina Ashley at Rina. Alamin din daw kung papayag bang magpatalo ang character niyang si Ashley kay Diana. 
 
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Thea sa loyal fans ng Afternoon Prime soap. “Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa The Half Sisters, hanggang 2015 tayo! Congrats sa 'tin and sana huwag kayong magsawa at patuloy lang ang pagsuporta sa The Half Sisters,” pagtatapos niya.