
Tuluy-tuloy ang masasayang moments sa 2025 para kay Thea Tolentino.
Matapos ianunsyo ni Thea ang kaniyang engagement sa non-showbiz boyfriend na si Martin Joshua San Miguel sa Japan, mas lalo pang magniningning ang showbiz career ng aktres sa susunod na taon dahil nag-renew siya ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Dating finalist si Thea sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break na ipinalabas noong 2012.
Sa panayam sa 24 Oras, nagpahayag ng pasasalamat ang Kapuso actress dahil maipagpapatuloy niya ang acting career sa GMA Network.
“Sobrang grateful ako kasi I get to continue 'yung work ko. 'Tsaka, dito na rin ako talaga lumaki sa GMA, tsaka sa Sparkle—mula 15 years old, ngayon 29 ako, next year 30 na.”
Related gallery: Celebrities who got engaged in 2025
Samantala, determinado naman si GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Legal, Human Resources Development, and Worldwide Group, Atty. Annette Gozon-Valdes na tulungan ang lahat ng talents nila sa Sparkle na matupad ang kanilang pangarap.
Aniya, “We will continue to strive to help all the artists of Sparkle and develop them more.
“And sana mas mafufill pa namin 'yung mga dreams nila. Not just for GMA, but lahat ng gusto nila like kung sa sports or kung ano 'yung gusto nila para mapabuti 'yung sarili nila.”
Panoorin ang buong ulat sa "Chika Minute" dito:
Related gallery: Celebrities and their dazzling engagement rings