
Hindi maiwasang mapangiti si Thea Tolentino nang mabanggit ang ex-boyfriend na si Mikoy Morales, na muling naiuugnay sa kaniya.
Ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon ngayon?
Sagot ng Asawa Ko, Karibal Ko actress, “Okay naman. Happy!”
Aminado si Thea na lumalabas na sila muli ni Mikoy. Sa katunayan, binigyan pa siya ng sorpresa noong ng aktor nitong nakaraang Valentine's Day.
“Lumalabas labas kami,” sabi ni Thea.
“Lately, busy ako sa work, siya rin nag-Bubble Gang, nag-show sila sa Cebu 'tapos nag-Pepito Manaloto Summer Special sila.”
Dagdag ni Thea, hindi naman daw nawala talaga ang pagiging close nila ng kaniyang dating boyfriend, “Actually, parang hindi naman nawala kasi mag-best friends din naman kami.”
Thea Tolentino at Mikoy Morales, nagkabalikan na
Studio 7: Hugot-serye with Kylie Padilla, Ruru Madrid & Mikoy Morales