
Hindi naiwasang matawa ni Thea Tolentino nang mapagkamalan ang kaniyang fiancé na si Martin Joshua bilang si Kapuso singer at actor na si Kristoffer Martin.
Isang concerned netizen kasi ang nag-message umano sa asawa ni Kristoffer na si AC Banzon na sweet daw ang Cruz vs. Cruz actor kay Thea sa isang date.
“Nakakatawa 'yun kasi kumakain kami ni Martin sa isang restaurant sa Sta. Rosa tapos may nag-message kay Kristoffer na parang dummy account siya. Ay sa asawa pala ni Kristoffer, kay AC. And then may concern naman siya, sinabi niya na 'I saw Kristoffer with Thea, ang sweet nila,” pagbabahagi ni Thea sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 6.
Ibinahagi pa umano ng concerned netizen ang detalye ng kotseng sinakyan nina Thea at Martin na ayon sa aktres ay tama naman. Ngunit maling “Martin” ang inakala nitong kasama niya.
“Nag-story si Kristoffer, nakita ko, and then natawa ako, and then wala, tinawanan lang namin siya,” sabi ni Thea.
Wala naman umanong naging reaksyon ang kaniyang fiancé lalo na at nonchalant naman ito.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY NON-SHOWBIZ PARTNERS SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na Abril noong 2025 nang ibahagi ni Kristoffer ang naturang Instagram Story kung saan nag-post siya ng screenshot ng mensahe ng netizen kay AC.
Sulat ng aktor sa kaniyang post, “Scam talaga 'yung pag-bike ko kanina eh. [Thea Tolentino] yari ka kay [AC Banzon]. Charet”
Ibinahagi rin ni Thea ang naturang story sa kaniyang social media page at nilinaw kung sinong “Martin” ang kasama niya.
“Hahaha! Martin pangalan ng bf ko, oo. Si @martinjoshua ang kasama ko kanina don. Tama naman kumain kami don at sweet kami,” sulat ni Thea.
Panoorin ang panayam kay Thea dito: