GMA Logo Thea Tolentino, Martin Joshua San Miguel
Celebrity Life

Thea Tolentino sa kanyang engagement: 'Cloud nine kami'

By Kristine Kang
Published December 3, 2025 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bitcoin plummets, driving $2 trillion tumble in crypto market value
Kapuso Bloodletting Day, Ipahigayon karong Biyernes, February 6, 2026 | Balitang Bisdak
BTS unveils a new version of their light stick

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino, Martin Joshua San Miguel


Masayang binalikan ni Thea Tolentino ang kanyang proposal experience sa Japan.

Labis pa rin ang saya at kilig ni Thea Tolentino matapos ang kanyang engagement sa non-showbiz partner na si Martin Joshua San Miguel.

Sa panayam kasama si Athena Imperial para sa 24 Oras, masayang binalikan ng Sparkle star ang unforgettable proposal experience nila sa Japan.

Ayon kay Thea, hindi niya inasahan ang sorpresa ng fiancé habang nasa gitna sila ng isang photoshoot sa ilalim ng magagandang Ginkgo trees. Aniya, una siyang nagulat noong nagkaroon ng interes si Martin na sumali sa kanyang pictorial.

"Usually 'pag pumupunta ako sa Japan, nakikipag-collaborate ako sa photographers din," kwento ni Thea.

Dagdag pa niya, hindi niya inakala na magaganap ang proposal sa araw na iyon, lalo na't medyo gloomy ang panahon.

"Ayokong itaas 'yung hopes ko para hindi ako ma-disappoint," aniya.

"'Yung araw na nag-propose siya, medyo cloudy tapos paambon-ambon. 'Yun lang 'yung gloomy weather noong five days na nandoon kami. Sumakto pa."

Sa kabila ng malamig at makulimlim na panahon, naging espesyal ang sandali para sa kanila. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Thea sa kanilang engagement.

"Cloud nine kami kasi nitong last week lang 'yan e. So sa ngayon nasa stage kami na-excited kami na i-share sa family and friends namin 'yung news. Dito palang papasok ang ideas."

Bukod sa proposal, nag-enjoy ang dalawa sa kanilang cozy Tokyo date. Natikman nila ang iba't ibang Japanese cuisines, namangha sa breathtaking sceneries, at bumisita sa mga kilalang shops at tourist attractions.

Matapos ianunsyo ang engagement, masayang binalikan din ni Thea ang kanilang cloud nine moment online. Marami ang natuwa at pinusuan ang kanilang sweet couple photos, na nagbigay ng kilig vibes sa fans.

Tingnan ang kanilang proposal photos sa gallery na ito: