
Ano ang first time na ginawa ng aktres sa Japan?
Lumipad si Kapuso actress Thea Tolentino patungong Japan para sa isang maikling bakasyon.
Habang namamasyal, hindi pinalampas ng aktres na bumili ng isang omikuji o paper fortune. Ayon kay Thea, ito raw ang unang beses niyang sumubok nito.
Bukod dito, nanood din siya ng concert ng Japanese boy band na na Hey! Say! JUMP. Matatandaang fan si Thea ng Japanese pop.
Pagkatapos ng kanyang bakasyon, babalik na si Thea sa taping ng upcoming drama series niya para sa GMA Afternoon Prime soap na pinamagatang Anything For You kung saan makakasama niya sina Joyce Ching at Kristoffer Martin.
MORE ON THEA TOLENTINO:
MUST-SEE: Self-portrait ni Thea Tolentino
Thea Tolentino, sumali sa ballet class ni Lisa Macuja