What's on TV

Theater actress Cris Villonco on playing her first teleserye role: “It’s an adjustment”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 2, 2020 9:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalang-kilala ang pangalan ni Kapuso actress Cris Villonco sa larangan ng teatro. Pero ngayong taon, nagdesisyon ang stage actress na iwan ito pansamantala at mag-venture sa isang teleserye.
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kilalang-kilala ang pangalan ni Kapuso actress Cris Villonco sa larangan ng teatro. Pero ngayong taon, nagdesisyon ang stage actress na iwan ito pansamantala at mag-venture sa isang teleserye.

Walang-alinlangang tinanggap ni Cris ang offer ng GMA na gumanap sa Ang Lihim ni Annasandra. Ang character niya rito ay si Lorraine, isang maganda at mayamang babae na mayroong gusto kay William (Mikael Daez).

Hindi man halata dahil sa galing ng performance ni Cris sa Afternoon Prime soap, ngayon lang pala siya gumanap ng isang antagonist role. “First time ko pong kontrabida and first time ko po sa teleserye,” pahayag niya.

Dahil sanay sa teatro, malaking kaibahan daw ang TV sa nakasanayang sining. “It's an adjustment. Schedule adjustment talaga but it's a lot of fun pala,” ani Cris. Ang tinutukoy ng aktres ay ang long working hours ng mga teleserye.

Pero kahit daw malaki ang pinagkaiba ng TV at teatro, mayroon pa rin naman daw silang pagkakapareho. Ani Cris, “Gustong-gusto ko 'yung similarity that you really have a lot of time na kaibiganin lahat ng tao kasi hindi naman panandalian ito eh. Ilang buwan din kayong magkasama in a maybe small space or big space and 'yon ang pinakagusto ko.”

Paano niya pinaghandaan ang first appearance sa TV? “Since sanay din po ako sa teatro, medyo malalaki 'yung movements ko lagi. So lagi kong tinitingnan 'yung monitor para makita kung malaki o maliit man ang ginagawa ko,” sagot ni Cris.