GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Theme song ng FiLay tandem ng 'Maria Clara at Ibarra,' may music video na

By Marah Ruiz
Published January 3, 2023 7:06 PM PHT
Updated January 4, 2023 12:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Inilabas na ang music video ng official theme song nina Fidel at Klay ng 'Maria Clara at Ibarra.'

Mapapanood na ang music video ng awit na "Kailangan Kita" na bahagi ng soundtrack ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ang awit na ito ang official theme song ng mga karakter na sina Klay, played by Barbie Forteza, at Fidel, na karakter naman ni David Licauco.

Lalong naging espesyal ang kanta dahil si David mismo ang kumanta nito.

Naging mainit ang pagtanggap ng fans sa music video at naging trending topic pa ito sa Twitter Philippines. Pasok ang hashtag na #FiLayKailanganKitaMV at ang katagang "DavidLicauco KailanganKitaMV" sa top 10 trending topics.

Panoorin ang music video para sa "Kailangan Kita," performed by David Licauco dito:

Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FIRST KISS NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: