
Sa March 28, mapapanood ang amazing na kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tungkol sa therapeutic Badekbek Sulfur Spring mula sa Bokod, Benguet.
Ito ay isang popular tourist spot na dinarayo dahil sa healing properties.
Tampok din sa Sabado ang magandang pagkakaibigan ng isang former Overseas Filipino Worker-turned-vlogger na si Rowell Francisco at Celsa Matinga mula sa Equatorial Guinea sa Africa. Saksihan sa episode na ito ang kuwento ng Pinoy culture sa Africa.
Abangan din ang mga kuwento mula sa "South America's Weirdest Animals" kung saan tampok ang largest rodent, snake, parrot at iba pang unusual creatures sa ating planeta.
Sama na sa Saturday night adventure na handog ng Amazing Earth ngayong Sabado (March 28), 6:30 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestreaming sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: