GMA Logo therese malvar
What's Hot

Therese Malvar among the potential best actress awardees at Portugal film fest

By Jansen Ramos
Published April 20, 2022 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

therese malvar


Bida ang award-winning actress na si Therese Malvar sa indie film na 'Broken Blooms' na ipinalabas sa Oporto International Film Festival sa Portugal.

Balik-pelikula ang award-winning actress na si Therese Malvar matapos ang apat na taon.

Bida siya sa indie film na Broken Blooms kasama ang kapwa niya Kapuso star na si Jeric Gonzales. Tampok din dito sina Royce Cabrera, Norman "Boobay" Balbuena, Lou Veloso, Mimi Juareza, at ang first Pinoy Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose.

Nag-premiere ang pelikula sa Oporto International Film Festival sa Portugal noong April 5. Kabilang ito sa Director's Week official selection ng nasabing film fest.

Ginagampanan nina Therese at Jeric ang papel na bagong mag-asawa sa Broken Blooms. Iikot ang kuwento sa kung paano sila mamuhay sa gitna ng kahirapan at pandemya.

Bahagi ni Therese sa exclusive interview ng GMANetwork.com kamakailan, "It was a very serious topic and serious din 'yung pag-atake namin. We tackled the problems during quarantine lalo na as a young couple and bagong kasal lang. Very mature, very seryoso 'yung atake namin do'n."

Ayon sa 21-year-old actress, ibang-iba ang role niya sa Broken Blooms sa role niya sa current show niyang Little Princess, kung saan lumalabas siyang pilya ngunit masayahing si Masoy. Love interest ni Masoy sa serye ang gamer na si Caloy, na ginagampanan ni Kaloy Tingcungco.

Patuloy ni Therese, "Nakakapanibago din po s'ya sa 'kin kasi usually 'yung mga love team-love team ko na project very tweeny-tweeny, pa-tweetums, lovey-dovey pero eto talaga seryoso."

Matatandaang nagkaroon din ng screening sa Oporto International FIlm Festival ang huling pelikulang kinabilangan ni Therese na School Service (2018). Pinagbidahan ito ni Aiai Delas Alas na nagwaging best actress sa 39th edition ng Portugal-based film fest noong 2019. Ang Broken Blooms at School Service ay parehong mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Pagdating sa usapang acting award, hindi na ito bago kay Therese matapos mamayagpag ang kanyang career sa indie.

Sa katunayan, nasungkit niya ang kanyang unang international best actress award noon pang 2016. Iginawad kay Therese, na noo'y 16 na taong gulang lamang, ang pinakamataas na pagkilala sa pag-arte ng Moscow International Film Festival para sa pelikulang Hamog.

Tanong namin, pressured ba siyang makuha ang kanyang potential second international best actress award?

Sagot niya, "Lagi po akong nakakaramdam ng pressure pero dahil sa pressure na 'yon, kailangan kong galingan. Hindi lang siyempre para maging mas madali para sa direktor dahil gusto ko rin talaga ma-hone 'yung craft ko bilang ang pag-arte ay never ending process.

"I still learn in each take and do my best in each take. May pressure pero 'di naman s'ya nakakasakal na pressure."

Paliwanag pa ni Therese, hindi niya main goal ang manalo.

Aniya, "It's not what I'm always aiming for since I always like to give my 100 percent in each project that I do. But if ever I receive an award, it's a blessing as well since talagang tumulong lahat ng cast, staff, and crew ng Broken Blooms para maitawid po namin 'yung mga eksena namin and sobrang magagaling talaga lahat ng cast."

Dugtong pa niya, "And even if I won't win an award but if they win an award, I would still be as proud as I am pa rin."

Alamin ang iba pang acting achievements ni Therese sa gallery na ito: