GMA Logo Therese Malvar
What's Hot

Therese Malvar, bibida sa pelikulang 'Broken Blooms'

By EJ Chua
Published January 21, 2022 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Therese Malvar


Masayang nakabalik sa pag-arte si Therese Malvar sa big screen.

Matapos ang halos tatlong taong paghihintay, muling mapapanood ang Kapuso actress na si Therese Malvar sa isang pelikula.

Sa isang interview, unang ibinahagi ni Therese sa GMANetwork.com na isa sa kanyang goals ngayong 2022 ay matuloy ang kanyang film projects.

At sa pagpasok ng panibagong taon, ibinahagi ng aktres na isa siya sa bibida sa pelikulang Broken Blooms na idinirek ni Louie Ignacio.

Sa pelikulang ito, makakatambal ni Therese ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Gaganap sa Broken Blooms si Therese bilang si Cynthia, ang 20 years old na mapapangasawa ni Jeric na gaganap naman bilang si Jeremy.

Iikot ang istorya nito sa young marriage issues at love-hate relationship ng mga karakter nina Cynthia at Jeremy.

A post shared by Therese Malvar (@theresemalvar)

Ikinuwento rin ni Therese na labis ang kanyang kasiyahan sa pagbabalik niya sa pag-arte sa big screen.

“Super happy po ako na sa pagbabalik ko ulit sa pelikula ay kasama ko sina Direk Louie (Ignacio), Sir Dennis Evangelista, Sir Benjamin Austria, Direk Ralston (Jover) po… It's a great cast and a great story, kaya very-very excited po ako ngayon,” pagbabahagi ni Therese.

Bukod sa bagong pelikula na pagbibidahan ni Therese, nakilala na rin ang kanyang husay at talento sa pag-arte sa iba pang mga proyekto.

Kasalukuyan ding napapanood ngayon si Therese bilang si Masoy sa GMA television drama series na Little Princess.

Samantala, tingnan ang ilang facts at career highlights ni Therese Malvar sa gallery na ito: