
Bukod sa pagiging abala sa kanyang career bilang isang artista, isa rin sa pinaglalaanan ng oras ni Therese Malvar ay ang kanyang pag-aaral.
Sa isang interview, masayang ibinahagi ni Therese ang kanyang goal kung bakit niya piniling mag-aral ng film.
Ayon kay Therese, “Nung una po, I wanted to become a cinematographer but then as I went through my course, I learned that I actually love organizing productions. Gusto ko maging producer o production manager talaga.
"Sana mai-push ko after school 'yung pagiging producer ko kasi parang gusto ko talaga mag-organize or to be one with the directors. Gusto ko mag-intern agad sa mga film productions if ever.”
Ibinahagi rin ng Kapuso actress ang kanyang kasalukuyang sitwasyon habang pinagsasabay ang pagiging artista at pagiging film student.
“May mga times na medyo nahihirapan din kasi nagkakasabay 'yung lock-in taping and 'yung school ko. Pero, sa awa ng Diyos naisa-submit ko pa rin 'yung mga tasks ko at nakaka-uno pa rin ako. So, nai-pu-push pa rin naman at madami pa rin akong natututunan kahit online class,” kuwento ni Therese.
Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Therese sa Meridian International Business, Arts and Technology o MINT College.
Ilang araw na lang, mapapanood na si Therese sa pinakabagong GMA television drama series na Little Princess.
Samantala, tingnan ang cute photos ng Little Princess co-star ni Therese na si Jo Berry sa gallery na ito: