GMA Logo Therese Malvar
Source: therese.malvar/TikTok
Celebrity Life

Therese Malvar, isusuot ang wedding gown ng ina sa kanyang kasal

By Jansen Ramos
Published July 30, 2026 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon sa Mosunod nga Duha ka Adlaw | Balitang Bisdak
Peso gains against US dollar, closes week at P61.24:$1
Thai actor Gemini Norawit completes dream house

Article Inside Page


Showbiz News

Therese Malvar


Ikakasal ang 'Kamao' actress na si Therese Malvar sa kanyang fiancé na si Jaime Morados sa 2027.

Espesyal ang magiging bridal dress ng award-winning actress na si Therese Malvar sa kanyang paparating na kasal dahil bahagi nito ay magmumula sa wedding gown ng kanyang inang si Cherry Malvar, na isa ring aktres.

Ayon kay Therese, nais nilang ipagpatuloy ang tradisyon sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagpasa ng gown sa susunod na henerasyon.

"Parang generation to generation, nadadala pa rin 'yung wedding dress ni Mommy. Actually, gustong-gusto po niya. Sabi niya, at least imbes na matatambak lang siya sa box, lagi siyang madadala sa bawat magiging anak ko, anak ng anak ko," ani Therese sa panayam ni Athena Imperial sa 24 Oras.

Sa TikTok, ibinahagi ng Kamao star na magkaedad sila ng kanyang ina nang maging bride ito. Nakatakdang ikasal si Therese sa kanyang fiancé na si Jaime Morados sa 2027.

@therese.malvar can't wait to carry pieces of my mom's wedding dress into my own 🤍@Cherry Malvar #bride2027 ♬ Slipping Through My Fingers - From 'Mamma Mia!' Original Motion Picture Soundtrack - Meryl Streep & Amanda Seyfried


Inanunsyo ng couple ang kanilang engagement noong Hunyo sa pamamagitan ng isang cinematic video na ibinahagi nila sa social media.

SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG CELEBRITY ENGAGEMENTS NGAYONG 2026.