What's Hot

Therese Malvar, pangarap maging direktor, cinematographer

By Dianara Alegre
Published September 10, 2020 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

therese malvar


College freshman na si Therese Malvar sa kursong AB Film.

Nagtapos sa senior high school bilang salutatorian ang award-winning actress na si Therese Malvar noong Hunyo.

Sa panayam ng 24 Oras report, ibinahagi ni Therese na kahit walang pormal na graduation ceremony ay masaya pa rin siya dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral habang isinasabay ang pagtatrabaho sa showbiz.

Source: theresemalvar (IG)

“This is what I want. I want to graduate on time and I also want to cherish each moment while still I'm actress.

College freshman na si Therese ngayon at kumukuha ng kursong AB Film.

“Gusto ko rin maging part ng pelikula behind the camera. I would also want to try that. I want to be a director or a cinematographer,” aniya.

Natutuwa rin ang aktres na ipinalalabas na sa Netflix ang pelikulang Gasping For Air na kinabibilangan niya.

Susunod na rin dito ang pagpapalabas ng Distance, na nakapagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress award sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.

Samantala, kamakailan ay pinarangalan ang GMA music artists na sina Kyryll at Garett Bolden sa 33rd Awit Awards.

Nasungkit ni Kyryll Ugdiman ang Best Performance by a New Female Recording Artist para sa first single niyang “Silent Rumblings.”

“Super nagulat ako. Hindi ko in-expect and super overwhelming ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon ang first single ko pa.

“Super grateful talaga ako sa GMA Music and lalo na sa mga sumusuporta sa akin,” aniya.

Source: kyryllugdiman (IG)

Tinanggap naman ng The Clash alumnus na si Garrett ang People's Choice award for Favorite New Male Artist.

“Nakakatuwang isipin na kahit na at this time, at this pandemic, e, nandiyan pa rin talaga sila and they're really supporting me. Sa lahat ng naniniwala at sa lahat ng nagsu-support sa akin, sa fans ko, para rin sa daddy ko na nasa heaven na,” aniya.

Source: garrettboldenjr (IG)

Kamakailan din ay inilabas na ng vlogger-turned-actor na si Benedict Cua ang kanyang first-ever single, ang “'Di Namalayan.”

Source: benedict_cua (IG)