What's Hot

Therese Malvar, pinaglalaanan ng panahon ang pagiging producer

By Marah Ruiz
Published December 15, 2025 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DBM Acting Sec. Rolando Toledo appears before the ICI (Dec. 15, 2025) | GMA Integrated News
8 dead after multicab falls into ravine in Ayungon, NegOr
LRT-1 opens full operations in 25 stations

Article Inside Page


Showbiz News

Therese Malvar


Pinagsasabay ni Therese Malvar ang pagiging actress at projects niya bilang producer.

Naging bahagi ng ilang mga pelikula si award-winning Kapuso actress Therese Malvar ngayong taon.

Kabilang diyan ang KMJS's Gabi ng Lagim The Movie at historical film na Quezon.

Kasama rin siya sa cast ng primetime telefantasya ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Bukod sa trabaho niya sa harap ng camera, naglalaan din si Therese ng panahon para sa pagiging isang producer.

"Ngayon nagpo-produce na 'ko. Ngayon, marami nang pelikula at marami pa 'kong nakikilalang mga tao dahil doon sa pagbabagong 'yun," bahagi niya.

Matatandaang naging producer siya ng documentary na Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea na nag-premiere sa Doc Edge NZ Film Festival sa New Zealand.

Bukod dito, producer na rin siya ng ilang music videos at short films.

SILIPIN ANG EXPERIENCE NI THERESE MALVAR BILANG PRODUCER NG ISANG DOCUMENTARY FILM DITO:

Samantala, bahagi si Therese ng upcoming Metro Manila Film Festival movie na Bar Boys: After School na sequel ng much-loved at critically acclaimed 2017 film na Bar Boys.

Gaganap siya rito bilang CJ, law student na mula sa isang liblib na barrio. Gusto niya sanang maging psychologist pero nagdesisyon na mag-aral ng law matapos masira ng isang quarry ang maliit nilang bayan.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.