
Sa nalalapit na pagpapalabas ng Little Princess sa GMA Afternoon Prime, makikilala na ang karakter ni Therese Malvar bilang si Masoy.
Si Masoy ang maaasahang pinsan ni Princess, ang karakter na bibigyang-buhay naman ng aktres na si Jo Berry.
Sa isang interview, proud na ibinahagi ni Therese ang ilang detalye at mga bagay na naobserbahan niya nang makasama niya si Jo Berry sa kanilang lock-in taping.
Kuwento ni Therese, “Humuhugot kami kay Ate Jo kasi sobrang lalim niyang tao, tapos ang dami niyang pinaghuhugutan. Kapag umiyak siya madadala ka talaga. Bigay na bigay talaga, sobrang natural lang sa kanya. 'Yun sobrang sarap ka-eksena niya. Talagang talent niya 'yung pag-arte.”
Kapansin-pansin na naging daan ang panibagong programa upang mabuo ang friendship nina Therese at Jo Berry.
Mapapanood naman sa ilang TikTok videos ng aktor na si Rodjun Cruz na labis na na-enjoy ng Little Princess cast ang kanilang lock-in taping kahit ilang panahon silang nalayo sa kanilang mga pamilya.
Kamakailan lang, inanunsyo ng GMA na kabilang ang Little Princess sa mga unang handog ng Kapuso Network para sa taong 2022.
Mapapanood na ang pinakabagong television drama sa darating na January 10.
Samantala, tingnan ang simple yet beautiful photos ni Therese Malvar sa gallery na ito: