What's Hot

'This is it na' - Miss World 2014 Philippines Valerie Weigmann

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 23, 2020 9:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jinggoy Estrada back in PH after trips to Hong Kong, Macau, Japan
Easter travel surge fills Dagupan bus terminals
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na si Miss World 2014 Philippines Valerie Weigmann to compete in the Miss World International pageant na gaganapin sa London ngayong December. Aniya, “Pusong Pinay and para sa Pilipinas ‘to.''

By CHERRY SUN
 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Halos hindi pa rin makapaniwala si Dabarkads Valerie Weigmann na siya ang nagwagi sa naganap na Miss World Philippines 2014 kagabi.
 
“Ang saya ko lang ngayon kasi siyempre as of now, medyo nag-si-sink-in na siya, parang nasa isip ko na parang ‘Oh my gosh, this is it na.’ Andito na ang korona kaya happing-happy talaga ako,” ani Valerie sa panayam ng Unang Hirit.
 
“Napaka-thankful din ako sa lahat ng mga supporters na nakita ko kahapon sa SM MOA Arena. Nakakabigla lang, parang ‘Oh my gosh, ang dami pala’,” dugtong ng Filipino-German model at TV host.
 
Nais lamang daw subukan ni Valerie kung ano ang pakiramdam ng sumali sa isang beauty pageant kaya hindi niya akalaing siya ang magsusuot ngayon ng korona.
 
“Since first time ko mag-join sa isang pageant, talagang ibang-iba ang feeling talaga,” sabi niya.
 
Inaalay niya sa kanyang mga magulang na nasa ibang bansa ang kanyang pagkapanalo.
 
Wika niya,”My dad and my mom. Both, actually. From day one, they were always there for me and they always told me, ‘Val, stay kind and humble. And never forget about the others'.”
 
Sa ngayon ay magfo-focus na si Valerie kasama ang ilang princesses ng Miss World 2014 Philippines sa kanilang bagong duties.
 
“As of now, siyempre PGH which we are really supporting. And at the same time, the Tuloy Foundation, we also have some projects upcoming. So we are really looking forward to it,” saad niya.
 
Kaysa ma-pressure ay excited na rin daw siya sa Miss World 2014 International pageant na gaganapin sa London ngayong December. Gagawin daw niya ang lahat para sa isang back-to-back victory.
 
“Pusong Pinay and para sa Pilipinas ‘to,” wika ni Valerie.