
Nakakakilig ang mga pelikulang hatid ngayong linggo ng digital movie channel na I Heart Movies.
Isa na rito ang romance drama film na Sana Dati, na pinagbibidahan ni Lovi Poe.
Ang award-winning director na si Jerrold Tarrog ang nagsilbing direktor, writer, editor at maging musical scorer ng pelikula.
Kuwento ito ni Andrea (Lovi Poe) na nakatakdang ikasal kay Robert (TJ Trinidad), isang politician-turned-businessman.
Habang ini-interview siya ng wedding videographer na si Dennis (Paulo Avelino), maaalala ni Andrea ang dating kasintahan na si Andrew (Benjamin Alves).
Abangan ang Sana Dati sa Pinoy Movie Date, July 29, 8:00 p.m.
Huwag din palampasin ang This Time I'll Be Sweeter nina Kapuso stars Ken Chan and Barbie Forteza, ang first movie na pinagtambalan nila.
Kuwento ito ng second chances sa pag-ibig at iikot ito sa on-and-off love affair nina Erika (Barbie Forteza) at Tristan (Ken Chan).
Worth it nga ba na bigyan ni Erika ng pangalawang pagkakataon ang ex-boyfriend na si Tristan? Matutupad ba ni Tristan ang panibago niyang mga pangako kay Erika?
Alamin 'yan sa This Time I'll Be Sweeter sa Pinoy Movie Date, July 30, 8:00 p.m.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.