
Kasalukuyang ipinalalabas muli ang Encantadia sa GMA Primetime kasama ang ilan pa sa paborito ninyong Kapuso shows.
Noong unang ipalabas ang requel ng Encantadia noong taong 2016, isa sa mga pinakasinubaybayang eksena ay ang paglaki ng mga Sang'gre na gagampanan ng mga Kapuso actresses na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Ngayon, ang eksenang ito ay mayroon nang mahigit sa 12M views sa YouTube!
Muling panoorin ang paglaki ng mga Sang'gre na sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya sa video below:
'Wag palampasin ang maiinit na tagpo sa re-run ng Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime pagkatapos ng 24 Oras.