
Perfect na pang-Flashback Wednesday ang muling pag-viral ng isang nakakatawang eksena sa Pepito Manaloto tampok sina Arthur Solinap bilang Robert at Maureen Larrazabal bilang transwoman na si Mara Quijanos.
Umani na ng mahigit 13 million views at 240,000 engagements ang naturang short clip matapos mapagkamalan ng family driver ng mga Manaloto na “ka-federasyon” niya si Robert nang tanungin siya ni Mara ng, “Bakla, si Sir Pepito?”
Aliw na aliw ang netizens sa lutang moment ni Robert sa naturang episode kaya naman kaliwa't kanan ang reaksiyon sa social media.
Sey ng isang netizen, “Ilang beses ko na 'to napapanood pero tuwang-tuwa pa rin ako. Galing talaga gumawa ng script ni Bitoy.”
Comment naman ng isa pa, “Hahahaha! Eto 'yung isa sa many funny moments ni Robert.”
Kung nami-miss n'yo ang full episode ng Pepito Manaloto, maaari n'yo itong mapanood muli sa GMA Network o mag-subscribe sa YouLOL YouTube channel.