
Pinusuan ng fans ang throwback live performance ng 2016 Sang'gres na sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza De Castro, at Sanya Lopez sa kanilang Christmas song na "Ngayong Pasko," na inilabas siyam na taon na ang nakalilipas.
Sa pagsisimula ng Disyembre, muling pinost ng GMA Playlist ang heartwarming performance na ito nina Gabbi, Kylie, Glaiza, at Sanya, kung saan marami ang natuwa na muling makitang magkakasamang kumanta ang apat ng Sang'gre.
Komento ng isang netizen, "Sarap pakinggan... Thank you, Sang'gre. Nakalma ang puso ko."
Kasalukuyang mayroong mahigit 131,500 views sa Facebook ang throwback performance na ito nina Gabbi, Kylie, Glaiza, at Sanya. Ang "Ngayong Pasko" ay composed ni Len Calvo under GMA Playlist.
Samantala, abangan sina Glaiza, Sanya, at Gabbi sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Maaaring iboto ang Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang Kapuso Primetime Drama Series of the Year sa GMANetwork.com Awards 2025. Cast your votes below.