GMA Logo Nevin Garceniego
What's on TV

Throwback photo ni Nevin Garceniego, pinusuan ng netizens

By Jansen Ramos
Published December 23, 2024 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Nevin Garceniego


Si Nevin Garceniego ng Tropa ni Pablo ang itinanghal na 'The Voice Kids' grand champion.

Pinusuan ng netizens ang throwback photo ni The Voice Kids grand champion na si Nevin Garceniego na ipinost niya sa kanyang Facebook page.

Sa litrato, makikita ang cute na cute na si Nevin noong siya ay toddler pa lamang na may hawak na mikropono.

Kasama nito ang larawan niya kung saan nagpe-perform siya sa The Voice Kids stage.

Ani Nevin sa caption, tila na-manifest niya ang kanyang The Voice Kids victory.

"Dati pinag lalaruan ko lang yung mic sa stage. Ngayon, hawak ko na ang mic sa Grand Finale ng The Voice Kids Philippines stage!" sulat ng batang mang-aawit sa kanyang post na ishinare niya bago ang gabi ng finals ng The Voice Kids na ginanap noong December 15.

Sa comments, marami ang nagpahayag ng pagbati kay Nevin matapos siyang tanghaling The Voice Kids grand winner sa live finale ng programa. Si Nevin ang nagwagi sa nasabing Kapuso musical competition dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto online.

Ang SB19 member na si Pablo ang nagsilbing coach at mentor ni Nevin.

BALIKAN ANG WINNING MOMENT NI NEVIN SA THE VOICE KIDS SA GALLERY NA ITO: