
Habang tayo'y nasa enhanced community quarantine, ating balikan ang ilang mga eksena sa GMA Afternoon Prime's Magkaagaw na tunay namang pinag-usapan sa social media.
Naalala niyo pa ba ang mga ito?
Naalala niyo ba nung nahuli ni Clarisse sa akto sian Veron at Jio na tila magkasama sa restaurant?
Napanood mo ba nang mapansin ni Gilda ang kakaibang pag-uugali ni Veron dahil nahahalata na niyang nahuhumaling na ito kay Jio?
Kinilig ka ba nung napanood mo ang muling pag-krus ng landas nina Clarisse at Jio matapos ang mahabang panahon.
Anong naramdaman mo nang makita mo si Veron at Gilda na sinusundan sina Jio at Clarisse sa kanilang family vacation?
Natuwa ka ba ng opisyal na malaman ni Laura ang secret affair nina Veron at Jio?
Mga Kapuso, kung namimiss niyo na ang Magkaagaw, maari niyo pa rin mapanood ang catch-up episodes nito sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.