What's Hot

#ThrowbackThursday: Lolit Solis, nami-miss ang kanyang second family

By Nherz Almo
Published July 18, 2019 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Naging sentimental ang showbiz personality na si Lolit Solis nang alalahanin ang dating GMA showbiz talk show na 'Startalk.'

Naging sentimental ang showbiz personality na si Lolit Solis sa kanyang post tungkol sa dating programang Startalk.

Lolit Solis
Lolit Solis

“Ewan ko ba kung bakit 'pag nakikita ko ang mga dating kasama sa Startalk, Salve, melancholia feeling ko,” panimula niya sa kanyang mala-throwback Thursday post sa Instagram kanina, July 18.

Sa naturang post, inilahad niya ang masasayang alaalang naipon niya mula sa halos dalawang dekadang pagho-host niya ng dating hit showbiz talk show ng GMA.

“Iyon bang parang excited ka at ang saya-saya ng batian kung minsan feel mo parang kahapon lang may Startalk pa.

“Iba talaga iyon matagal kayo nagsama, iyon nag-umpisa pa lang mga binata at dalaga tapos ngayon may mga asawa at anak na iyong iba.

“Nakita ko ang pagkakaiba ng ugali nila at nakita mo rin iyong growth nila.”

Patuloy pa niya, “Sabi ko nga more than the financial loss sa pagkawala ng programa, iyong feeling ng finally cutting the string of togetherness, the final goodbye sa regular meeting at iyon ang mas masakit.

“Up to now, when you see your team, nandun iyong emotional tie to them.

“Katuwa na babatiin ka ng 'Nay Lolit,' katuwa na naging inaanak mo sa kasal iyon iba, katuwa na ayun pa rin at puwede mo sila tawagan at pakiusapan 'pag meron ka ipagagawa at katuwa na meron pa rin silang trabaho na pinagkakaabalahan.

“I love my Startalk team, the more than 20 years of being together, sila na ang second family ko.

“Meron siguro sa kanila mas love iyong ibang nakasama, but sure ako, mas lamang ang boto ko 'di ba Belinda, Buboy at Archie hah hah, love you. #classiclolita#takeitperminute #72naako [heart emojis]”

Ewan ko ba kung bakit pag nakikita ko ang mga dating kasama sa Startalk Salve melancholia feeling ko. Iyon bang parang excited ka at ang saya-saya ng batian kung minsan feel mo parang kahapon lang may Startalk pa. Iba talaga iyon matagal kayo nagsama, iyon nag-umpisa pa lang mga binata at dalaga tapos ngayon may mga asawa at anak na iyon iba. Nakita ko ang pagkaka-iba ng ugali nila at nakita mo rin iyon growth nila. Sabi ko nga more than the financial loss sa pagkawala ng programa, iyon feeling ng finally cutting the string of togetherness, the final goodbye sa regular meeting at iyon ang mas masakit. Up to now, when you see your team, nandun iyon emotional tie to them. Katuwa na babatiin ka ng 'nay Lolit' katuwa na naging inaanak mo sa kasal iyon iba, katuwa na ayun pa rin at puwede mo sila tawagan at pakiusapan pag meron ka ipagagawa at katuwa na meron pa rin silang trabaho na pinagkaka-abalahan. I love my Startalk team, the more than 20 years of being together, sila na ang second family ko. Meron siguro sa kanila mas love iyon ibang nakasama, but sure ako, mas lamang ang boto ko di ba Belinda, Buboy at Archie hah hah, love you. #classiclolita #takeitperminute #72naako ❤️❤️

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

October 1995 nang magsimulang ipalabas sa GMA Network ang StarTalk, na tinaguriang 'showbiz authority' sa telebisyon.

Nakasama ni Lolit bilang co-hosts ng programa sina Butch Francisco, Joey de Leon, at Ricky Lo.

Naging host din ng programa sina Kris Aquino, Boy Abunda, Rosanna Roces, Dawn Zulueta, at Lorna Tolentino.

Ang mga StarStruck alumni na sina Chariz Solomon, Jan Manual, at Vaness del Moral ay naging regular segment hosts din ng Startalk.

Huling umere sa telebisyon ang Startalk noong September 2015.