
Mabilis na sold out ang tickets sa nalalapit na benefit concert ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na may titulong ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.
Dahil marami pa rin ang gustong magpanood ang documentary at purpose concert ni Alden, inanunsyo ng AR Foundation sa kanilang Instagram na nagdagdag sila ng tickets ngayong araw, January 17.
"We heard you! Because of your overwhelming support and requests, we have added SLOTS and ForwARd ticket selling is now OPEN again!"
Mapupunta ang kikitain ng ForwARd sa AR Foundation para sa pagpapa-aral sa mga bata.
Sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril, mapapanood ang ForwARd sa January 30 sa ika-8 ng gabi.
Maaring bumili ng tickets nito sa Ticket2Me (https://ticket2me.net/e/34360) sa halagang 1,999 (VIP with virtual meet & great) at 999 pesos (General Admissions).
Samantala, balikan ang career highlights ni Alden sa mga larawang ito: